Nakarating sa amin ang mga ulat na may grupo ng mga manggagawa na magsasagawa ng kilos-protesta laban sa umano’y pag-terminate ng PLDT sa mga kontrata namin sa iba’t ibang ahensiya para daw malusutan ang compliance order ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular ang mga kontraktuwal na manggagawa.
Ang totoo niyan:
- Hindi ang PLDT ang nag-terminate sa mga service contract.
- Ang DOLE ang nag-utos sa 38 service contract providers ng PLDT, kabilang ang aming call center at business process service providers, na huminto sa pagseserbisyo sa PLDT.
- Umapela na ang PLDT sa Court of Appeals (CA) ukol sa legality at validity ng atas ng DOLE.
- Sa ngayon, 23 apektadong service contractors ang dumulog na rin sa CA para kuwestiyunin ang legality at validity ng atas ng DOLE.
Habang hinihintay ng PLDT at ng apektadong contractors ang desisyon ng CA, patuloy ang pagsasagawa ng PLDT ng maayos at epektibong intake process bilang tugon sa atas ng DOLE. Bahagi ng prosesong ito ang pagtitiyak sa pagkakakilanlan ng mga taong pinangalanan sa atas ng DOLE at pagtataya sa kanilang kwalipikasyon at kakayanang magtrabaho.
Samantala, sa abot ng aming makakaya, sinisikap ng PLDT na matugunan ang pangangailangan ng aming mga customer sa kabila ng epekto ng atas ng DOLE sa aming kakayanang makapaglingkod. Naglatag na rin ang kompanya ng iba’t ibang pansamantala at pangmatagalang mga hakbang upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa aming mga customer at sa publiko.