Submitted by bnsantiago on Thu, 06/06/2013 - 13:51

MANILA, Philippines, June 6, 2013 – Sa halagang piso (P1), maaari nang mag-connect sa Internet at sa mga sikat at paboritong sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, Linked-In, at iba pa, sa pamamagitan ng Cyberya, ang pinakabago at pinakamurang Internet service na inilunsad kamakailan ng PLDT KaAsenso, sa pakikipagtulungan ng mga natatanging institusyon kagaya ng PC Express at Intel.

“Sa Cyberya, ang Internet access ay nagkakahalaga lang ng piso bawat apat na minuto kaya madali at mabilis nang makakapag-Internet ang bawat Pilipino. Magandang balita ito para sa mga kababayan natin na walang sariling computer, laptop, at broadband subscription. Magkakaroon na sila ng koneksyon sa Internet at ang lahat ng benepisyong kaakibat nito na mapapakinabangan nila sa pang-araw-araw na buhay,” ayon kay Patrick Tang, PLDT HOME Voice Solutions Vice President.

Maaari ring pagkakitaan ng mga maliliit na negosyante ominigosyanteang Cyberya. Ang personal computer (PC) unit nito ay nakapaloob sa isang compact at mobile box. Dinesenyo ang package na ito para matulungan ang mgaminigosyantena lumapit sa kinaroroonan ng kanilang mga customer, kaya’t pwedeng ilagay ang Cyberya sa mga sari-sari store, karinderya, barberya, beauty salon, at iba pa.

“Mura at madaling i-maintain, ang Cyberya ay makakapaghatid ng mataas na kita sa mga taong limitado ang puhunan para magsimula o palaguin ang kanilang negosyo,” sabi ni Tang.

Ang Cyberya ay isang kumpletong package na pinaaandar ng reliable na wireless broadband ng PLDT, at may kasama nang hardware at software mula sa PC Express at Intel.

Category
Thumbnail
Meta OG Image